250 na indibidwal, nakiisa sa Bloodletting Activity
Masugid na nakiisa sa bloodletting activity ang nasa 250 na indibidwal mula sa iba’t ibang sektor na ginanap sa Aklan Police Provincial Office, Barangay New Buswang, Kalibo, Aklan nito lamang ika-12 ng Pebrero 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Aklan Police Provincial Office, kasama ang mga miyembro ng Kiwanis Club of Golden Salakot, mga kawani ng Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development, Aklan Baghay Inc. sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross, Metro Kalibo Rotary Club, Aklan Cable Television, at Barangay RU 92.9 Super Radyo.
Sa 250 na indibidwal na naging kalahok ay nasa 150 ang naging kwalipikado at matagumpay na nakapag-donate ng kanilang dugo.
Ang naturang aktibidad ay tinaguriang “Pulis Ko, Kadugo Ko” na naglalayong makapagbigay ng boluntaryong tulong sa mga kababayan natin na nangangailangan ng dugo lalong-lalo na ang mga may matinding karamdaman.
Source: Kiwanis Club of Golden Salakot Aklan