KKDAT Tanza Chapter, nakiisa sa Simultaneous Coastal Clean-up Drive

Nakiisa sa Simultaneous Coastal Clean-up ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) na isinagawa sa dalampasigan ng Barangay Julugan 4, Tanza, Cavite nito lamang Martes, Marso 5, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Cavite MARPSTA, Regional Maritime Unit 4A kasama ang mga tauhan mula sa BFP Tanza, BJMP Tanza, PCG Tanza, Philippine Army, Municipal Agriculture Office (MAO) Tanza, Kabalikat Civicom Tanza Chapter, Bantay Dagat Tanza, One Earth One Ocean Manila, Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Barangay Officials ng Julugan IV, Tanza, Cavite Office, Pagbilao Municipal Police Station, at Women Sector Advisory Support Groups

Nagtulong-tulong ang grupo sa pagpulot ng mga kalat at basura sa dalampasigan. Tinatayang umabot sa dalawang daang garbage bag ang nakuhang basura sa isinagawang paglilinis.

Ito ay bilang pagsuporta sa programa ng ating Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na pataasin ang kamalayan ng mamamayan sa kahalagahan ng kalikasan at panatilihing malinis ang ating mga dagat at karagatan sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga sagabal tulad ng polusyon na siyang pangunahing problema ng ating lipunan ngayon.

Source: Tanza PNP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *