PBBM: Tagumpay sa paghikayat sa mga foreign investors na pumunta sa bansa
Dumating na sa bansa ang tinaguriang high-level US trade mission nito lamang Lunes, Marso 11, 2024, iyan ay ayon sa mga mambabatas, kaugnay sa sunod-sunod na panghihikayat ni President Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga foreign investor upang makipagkalakalan sa Pilipinas.
Sa isang press conforence, pinuri ni Deputy Speaker David Suarez ang Pangulo sa pagsisikap nitong hikayatin ang mga foreign investors, kabilang na riyan ang kakarating lamang na high-level United States (US) trade and investment mission sa bansa.
Ayon naman kay Cagayan de Oro City Rep. Lordan Suan, naging matagumpay ang istratehiya ni President Marcos upang ipromote ang bansa sa buong mundo. Aniya, lumabas umano sa comfort zone ang Pangulo, upang puntahan ang mga investors sa iba’t ibang bansa upang hikayatin ang mga ito na makipag-ugnayan sa Pilipinas, at nagbunga naman ito.
Samantala, kabilang naman sa mga nanguna sa naturang trade mission sa Manila mula March 11 hanggang March 12, 2024, sina US Secretary of Commerce Gina Raimondo, kasama ang 21 American business leaders at senior corporate executives. Kasama rin nila ang iilang mga kilalang personalidad kabilang ang sikat na celebrity at philanthropist na si Allan Pineda, o mas kilala bilang Apl.de.Ap, rapper ng “Black Eyed Peas” at founder ng Apl.de.Ap Foundation International.
Source: PNA
Photo Courtesy by PNA