Phi Lambda Epsilon Pandi Bulacan Council nakilahok sa Project Klase ng Bulacan 1st PMFC
Aktibong nakilahok ang Phi Lambda Epsilon Pandi Bulacan Council sa isinagawang Community Outreach Program kaugnay sa Project Klase ng Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company sa mga mag-aaral ng Taal Elementary School sa Barangay Taal, Bocaue, Bulacan, ngayong araw, ika-17 ng Abril 2024.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Reyson M Bagain, Force Commander ng Bulacan 1st PMFC katuwang si Darwin Orcas, Presidente ng Phi Lambda Epsilon kasama ang mga kapulisan ng Bulacan, mga guro at magulang ng mga mag-aaral.
Naghandog ng School supplies, food packs, at libreng mga vitamins ang Bulacan 1st PMFC sa mga mag-aaral ng nasabing eskwelahan.
Nagkaroon rin ng mga palaro at sorpresang regalo na naghatid ng labis na tuwa at pasasalamat sa mga bata.
Ang aktibidad na ito ay isang positibong hakbang tungo sa pagpapalakas ng ugnayan at pagkakaisa sa pagitan ng mga kapulisan at mamamayan.
Layunin ng “Project KLASE” na bigyang kaalaman ang mga mag-aaral sa pagbuo ng pundasyon ng kanilang kaisipan na pagyamanin ang magandang pag-uugali bilang kabataang Pilipino, pagiging makabayan, mapataas ang antas ng kanilang kamalayan, turuan sila sa kanilang kontribusyon sa pagbuo ng bansa at pagtataguyod ng kapayapaan katuwang ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas.
Source: Bulacan 1st PMFC
Panulat ni Pat Janeth Ballad