Bloodletting Activity isinagawa ng Brigada Mass Media Corporation at Philippine Red Cross

Isa na namang matagumpay na blood donation ang naisakatuparan sa Bloodletting activity na isinagawa ng Brigada Mass Media Corporation at Philippine Red Cross sa Lee Plaza Center Mall, Quezon Ave. Miputak, Dipolog City nito lamang ika-14 ng Abril 2024.

Naging matagumpay ang aktibidad sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mga tauhan ng Zamboanga Del Norte Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Rainier P Diaz, Officer-In-Charge at 1st ZNPMFC at iba pang residente ng nasabing lugar na nagbahagi ng dugo.

Layunin ng aktibidad na ito na magkaroon ng pondo na mga dugo para makatulong sa mga pasyente na nangangailangan upang madugtungan ang kanilang buhay. Magiging kamulatan din ito sa publiko na maaari nilang ibahagi ang kanilang dugo para makatulong at maligtas ang mga taong nangangailangan.

Panulat ni Joyce Franco

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *