Parlor Games at Feeding Program, isinagawa ng Faith-Based Advocacy
Nagsagawa ang mga miyembro ng Faith-Based Advocacy Group ng feeding program at parlor games sa mga katutubong ATI sa Barangay Manocmanoc, Boracay Island nito lamang ika-20 ng Abril 2024.
Katuwang ng grupo ang mga tauhan ng Aklan Maritime Police Station na kung saan ay hinandugan ang mga residente ng libreng pagkain na sinundan ng maikling palaro na nagbigay ng kasiyahan ng mga dumalo.
Labis ang pasasalamat ng mga katutubong ATI sa handog na tulong ng grupo sa kanila na labis na nagbigay ng saya at tuwa sa kanilang mga puso.
Patuloy ang grupo sa mga ganitong aktibidad upang matulungan ang mga kababayan natin na lubos na nangangailangan at maipadama ang kanilang malasakit at pagmamahal sa mga katutubong ATI sa kanilang lugar.
Source: Aklan MARPSTA
Panulat ni Julius Sam Accad