DOLE Region XI nagsagawa ng Bloodletting Activity
Matagumpay na nagsagawa ang Department of Labor and Employment ng bloodletting activity sa DOLE-DCFO Activity Hall, Dacudao Street, Davao City ngayong araw ng Martes, ika-23 ng Abril 2024.
Ang naturang programa na pinamagatang GIP CARES: Leading by Example through Blood Donation ay pinangunahan ng DOLE katuwang ang Subnational Blood Center for Mindanow.
Nakiisa rin ang Philippine Statistics Authority (PSA) at Davao City Police Office (DCPO) personnel at kasali na rin dito ang kinatawan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 11 na si Pat Reina Rose Decipolo.
Ang isang bag ng dugo ay kayang tulungan ang tatlong tao. Dagdag pa, napatunayan na din ng mga siyentipiko na ang pag-donate ng dugo ay nakakatulong sa ating kalusugan. Kung kaya’t nararapat lamang na ating isaisip na ang pag-donate ng dugo ay isang dakilang alay na dulot ay kabutihan hindi lamang sa tatanggap ng dugo kung hindi pati na rin sa nagbibigay ng dugo.