Unibersidad de Manila Students nakiisa sa isinagawang Information Drive

Nakiisa ang mga estudyante ng Unibersidad de Manila sa isinagawang Information Drive sa loob ng kanilang paaralan sa Ermita, Maynila nito lamang Lunes, Abril 22, 2024.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Regional Community Affairs and Development Unit ng National Capital Region na naging instrumento upang turuan ang mga estudyante ng nasabing paaralan.

Namahagi rin ng mga IEC Materilas ang grupo patungkol sa Anti-Illegal Drugs, Anti-Terrorism at Ligtas SumVac ngayong panahon ng tag-init para sa kaligtasan ng mga ito.

Hangad ng gawaing ito ng pulisya na maiwasang maging biktima ng mga masasamang gawain ang mga mag-aaral upang maging isang huwaran at maging matagumpay sa kanilang hinaharap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *