Zumba Kontra Ilegal na Droga, idinaos
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng KKDAT at Women Sector ng Barangay Daang Amaya 1 sa isinagawang Zumba Kontra Ilegal na Droga na ginanap sa Tanza Municipal Hall, Barangay Daang Amaya 1, Tanza, Cavite nito lamang Biyernes, ika-26 ng Abril 2024.
Pinangunahan ang aktibidad ni PCMS Annalizza P Flores, CPAS sa pamumuno ni PLtCol Willy B Salazar, hepe ng Tanza Municipal Police Station kasama ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at Women Sector na aktibong nakilahok sa nasabing aktibidad.
Labis na ikinatuwa ng mga dumalo ang nasabing aktibidad dahil malaking tulong ito sa kanila upang maging aktibo sa kanilangg pisikal na pangangatawan, mabawasan ang panganib ng sakit, at mapabuti ang kalusugan at kakayahang gumawa ng mga pang-araw-araw na gawain.
Hangarin ng aktibidad na ipamulat sa mga kabataan at mga kababaihan ang tunay na pagkakaisa upang maisakatuparan ang layunin ng BIDA program. Sa pamamagitan nito, madaling maisusulong ang naturang programa upang makamit ang kaayusan at kapayapaan sa ating bansa.
Source: Tanza PNP