Advocacy Support Group, nakiisa sa Community Outreach Program

Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Community Outreach Program sa Lahug Primary School, Barangay Lahug, Tapaz, Capiz nitong ika-29 ng Abril 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng 602nd Company, Regional Mobile Force Battalion 6 sa pakikipagtulungan ng 12 IB, Philippine Army, CMO Battalion, McDonalds Philippines-Calinog, K3FM, Department of Education, at mga opisyal ng Barangay Lahug.

Nakapaloob sa aktibidad ang Gift Giving, Feeding Program at libreng gupit na sobrang pinasalamatan ng bawat benepisyaryo.

Patuloy ang grupo sa kanilang paglilingkod at pagmamahal sa kanilang mga kababayan tungo sa mas magandang kinabukasan ng kanilang nasasakupan.

Source: Rmfb Six Pathfinder

Panulat ni Julius

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *