Drug Awareness Campaign, matagumpay na isinagawa
Matagumpay na isinagawa ng kapulisan ng Tandag Component City Police Station (TCCPS) ang isang Drug Awareness Campaign kasama ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), City Anti-Drug Abuse Council, SDS-PDEA, Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), at SK Council na ginanap sa Barangay Covered Court, Barangay San Isidro, Tandag City, Surigao del Sur noong Mayo 10, 2024.
Ang nasabing aktibidad ay may temang “Magkaisa Tayo, Lupaing Walang Droga,” na kung saan tinalakay dito ang tungkol sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at ang Drug-Free Workplace Policy.
Nasa mahigit 300 indibidwal ang aktibong lumahok sa nasabing aktibidad kabilang dito ang Punong Barangay at mga miyembro ng Barangay Council, SK Chairperson at mga miyembro ng SK, Lupon Tagapamayapa, mga presidente ng purok, mga tanod, BHW at BNS, mga senior citizen, at PYAP.
Layunin ng aktibidad na ito na maipaunawa sa mga mamamayan ang masamang epekto ng paggamit ng ilegal na droga at kung saan binigyang-diin dito ang mahalagang papel ng KKDAT sa pagsugpo o paglaban sa droga at terosismo.