Bagong Pilipinas Service Fair, matagumpay na isinagawa sa Cagayan de Oro City

Matagumpay na isinagawa ang Bagong Pilipinas Service Fair sa Pimentel Convention Center, Cagayan de Oro City nito lamang ika-16 ng Mayo 2024.

Nakiisa si City Mayor, Erick G. Cañosa, kasama si Gov. Peter M. Unabia, Cong. Christian S. Unabia, at mga regional leaders sa Bagong Pilipinas Service Fair (BPSF).

Layon ng programa na mailapit sa mga tao ang mga serbisyo ng gobyerno at mga programang tulong pinansyal.

Mahigit 10,000 na mga benepisyaryo ang nabigyan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks, and Families (PAFFF) sa Northern Mindanao.

Bukod dito, opisyal na rin na binigay ni PBBM ang 50 milyong pondo para sa mga benepisyaryo ng PAFFF sa lalawigan ng Misamis Oriental.

Ang programa ay patotoo sa kahalagahan ng pagtutulungan at pag-iisa ng mga pinuno ng lungsod, lalawigan, at bansa upang mapadali ang pagkamit ng karagdagang pag-unlad sa Gingoog, Misamis Oriental, at sa buong Pilipinas.

Panulat ni Rizza Sajonia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *