KKDAT, nagsagawa ng Mangrove Tree Planting at Costal Clean-up Drive

Masugid na nilahukan ng mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ang mangrove tree planting at clean-up drive na isinagawa sa Tinoto, Maasim, Sarangani Province nito lamang Ika-17 ng Mayo 2024.

Katuwang sa aktibidad ang lokal na pamahalaan ng Maasim at Kalikasan Advocacy Group.

Nakiisa rin ang mga tauhan ng Maasim Municipal Police Station sa pamumuno ni PMaj Herman J Luna, Chief of Police.

Layunin ng aktibidad na ito na magkaroon ng kalinisan ang dalampasigan at mapangalagaan o maprotektahan ang ating yamang dagat.

Samantala, hinihimok naman ng lokal na pamahalaan ang mga residente na patuloy na makiisa sa mga ganitong gawain sapagkat lahat tayo ay may karapatan na pangalagaan ang ating inang kalikasan at patuloy itong protektahan.

Panulat ni Bambam

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *