Mga kababaihan, nakiisa sa isinigawang talakayan
Nakiisa ang mga kababaihan sa isinagawang talakayan patungkol sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (“VAWC”) kaugnay sa Gender Equality at Women Empowerment sa lipunan nito lamang ika-22 ng Mayo 2024.
Pinangunahan ito ng Salug Municipal Police Station sa pangunguna ni PMSg Jarel A Daquipil, WCPD PNCO sa Barangay Lipakan, Salug, Zamboanga del Norte.
Layunin ng aktibidad na ito na maibahagi sa mga kababaihan ang kanilang mga kaalaman at makaimpluwensya ng tamang disiplina na kinakailangan sa araw-araw na gawain at pagiging isang mabuting mamamayan ng isang bansa upang makamit ang ligtas, masaya, at maunlad na Bagong Pilipinas.