KKDAT, nakiisa sa isinagawang Community Outreach Program
Aktibong nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Community Outreach Program na ginanap sa Maasim Central Elementary School, Sitio Linao, Barangay Poblacion, Maasim Sarangani Province nito lamang Sabado, Mayo 25, 2024.
Pinangunahan ito ng Philippine Marine Corps, 712nd Naval Squadron Reserve of Philippine Navy, BRP Conrado Yap Off Shore Combat Force of Philippine Navy at LGU Maasim katuwang ang Maasim Municipal Police Station, Lions International, Kiwanis Club, KKDAT, AFPSLAI, CASA D’ VANS, Maasim Central Elementary School at iba pang NGO’s.
Nagkaroon ng libreng tuli, lice treatment, otoscopy, blood testing, libreng gupit, pamimigay ng tsinelas at feeding program sa mga kabataan mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod na malaking tulong sa kanilang mga magulang upang mapagaan ang kanilang mga pinansyal na pasanin partikular sa pag-avail ng libreng tuli.
Layunin ng aktibidad na ito na matugunan ang ibang pangangailangan ng mga kabataan at maisakatuparan ang pagsulong ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Flora Mae Asarez