Coordination Meeting, isinagawa sa Sulu

Matagumpay na naisakatuparan ang isinagawang Coordination Meeting ng mga Barangay Officials at mga tauhan ng Bangungui Municipal Police Station sa Barangay Sigumbal Banguingui, Sulu noong ika-30 ng Mayo 2024.

Ang naturang pagpupulong ay naging inisyatibo ni Hon. Sadik A Kurais, Barangay Chairman at sa aktibong suporta ni Police Lieutenant John Vincent Dela Cruz Loneza, Office-In-Charge, Bangungui Municipal Police Station.

Naging talakayan sa pagpupulong ang Barangay Drug Clearing Operation, Peace and Order Situation, Human Rights Based Policing at Anti-Terrorism at Anti-Illegal Drug Campaign.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong magbigay ng tamang impormasyon, kaalaman at kamalayan sa kaligtasan ng mamamayan at mas palakasin ang ugnayan sa pagitan ng PNP at ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *