Advocacy Support Groups ng PRO Cordillera, dumalo sa Open Forum

Dumalo ang mga Advocacy Support Group ng Police Regional Office Cordillera sa isinagawang open forum kasama ang Director ng Police Community Affairs and Development Group sa Multi-purpose Center, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet nito lamang ika-28 ng Mayo 2024.

Kasama sa dumalo ang mga miyembro ng Bless Our Cops mula sa Faith-Based Sector sa pangunguna ni Pastor Walter Joaquin, Chapter President, Bantay-Bayan Foundation Incorporated sa pangunguna ni Mr. Mark G Abilao, Chairperson, Ms. Helen Tibardo, Regional Director ng Philippine Information Agency, at Mr. Clarky Gallema, Regional President ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo ng Cordillera.

Samantala, nagpahayag naman ng taos pusong pasasalamat si Police Brigadier General Restituto Arcangel, Director, Police Community Affairs and Development Group sa dedikasyon at suportang ipinangako ng mga Advocacy Support Groups para sa programa ng Pulisya partikular sa mga aktibidad ng Police Community Relations at pagkapayapaan.

Kanya ding iginiit ang kahalagahan ng tulong ng mga Advocacy Support Groups at Stakeholders upang mapadali ang misyon ng Pulisya sa paghahangad ng isang matatag, mapayapa at ligtas na pamayanan.

Ang aktibidad ay patunay sa maganda at matatag na ugnayan ng Pulisya at komunidad kung saan ang mga stakeholders at force multipliers ay nagtitiwala at sumusuporta sa Pambansang Pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *