Clean-up drive at Tree planting activity, pinangunahan ng CENRO Mt. Province

Pinangunahan ng mga tauhan ng Community Environment and Natural Resources Office- Paracelis ang clean-up drive at tree planting activity sa Sitio Gapen, Barangay Bantay, Paracelis, Mt. Province, nito lamang Hunyo 6, 2024.

Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan ng Paracelis Municipal Police Station sa pangunguna ni PCpt Alvaro A Secligen, Chief of Police, 2nd Mt. Province Provincial Mobile Force Company, at Local Government Unit ng Paracelis.

Ang inisyatibang ito ay nakahanay sa Philippine Environment Month, kung saan sama-samang namulot ng mga kalat at basura ang mga nasabing grupo sa ilog ng Masablang, kasunod ng kanilang pagtatanim ng 150 na pirasong punla ng Cacao tree.

Ang aktibidad na ito ay isa lamang sa mga nagpapakita ng pagkakaisa ng mamamayan at kapulisan tungo sa nagkakaisang mithiin na pangangalagaan ang kapaligiran at ang ating inang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *