Force Multipliers, nakilahok sa Tree Planting Activity

Nakilahok ang mga miyembro ng force multipliers sa isinagawang tree planting activity sa God the Father Shrine, Barangay Unidos, Nabas, Aklan nito lamang ika-18 ng Hunyo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Aklan Maritime Police Station kasama ang Second Aklan PMFC, Unidos Barangay Council, Unidos Women Advocacy Group, BHW, BPATs, Unidos Fundamental Baptist Church, at iba pang mga volunteers,

Matagumpay na nakapagtanim ng halos isang daang (100) puno ang mga kalahok sa naturang lugar na makakatulong na mapalago ang ating kapaligiran at labanan ang pagbabago ng klima.

Ang matagumpay na pagtitipon ay nagpapakita ng determinasyon ng bawat isa na pangalagaan ang kalikasan at magkaroon ng mas malusog na kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.

Source: Aklan Maritime Police Station Page

Panulat ni Julius

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *