BPATs, nakilahok sa Information Dissemination
Nakilahok ang mga Barangay Peace-keeping Action Team (BPAT) sa isinagawang Information Dissemination ng mga personahe ng San Francisco Municipal Police Station na ginanap sa Barangay 3, San Francisco, Agusan Del Sur nito lamang Hunyo 18, 2024.
Ang Information Dissemination ay isinagawa sa pamamagitan ng Pulong-pulong kasama ang mga BPAT na naglalayong ipalaganap ang kamalayan at kaalaman hinggil sa iba’t ibang isyu at batas na mahalaga para sa kaligtasan at kaayusan ng komunidad.
Kabilang sa mga tinalakay ay ang Ligtas SUMVAC 2024, Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC), Republic Act 11313, mga tips laban sa kriminalidad, Anti-Illegal Drugs, Anti-Terrorism, mga tips sa pag-iwas sa pagnanakaw, at mga tips sa kahandaan sa sakuna.
Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang kooperasyon at kolaborasyon sa pagitan ng kapulisan at force multipliers katulad ng BPATs upang makamit ang isang mapayapa, ligtas, at maunlad na pamayanan.