KKDAT, lumahok sa Basic Arnis Training

Aktibong lumahok sa isinagawang Basic Arnis Training ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terrorismo (KKDAT) sa GK Laura Drive Residences, 1st Laura Drive, Bagumbayan, Taguig City nito lamang Linggo, Hunyo 23, 2024.

Pinangunahan ng 8th Mobile Force Company ng RMFB NCRPO ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan kay Sir Chester Dela Cruz, Taguig Management Team Head ng Gawad Kalinga at Chairperson, 8th MFC Advisory Council at Ms. Marissa Esparagoza.

Isa -isang tinuruan ang mga kabataan sa mga pangunahing hakbang ng aktibidad upang matutong iligtas ang kanilang mga sarili sa mga panahon ng panganib.

Ang aktibidad ay hindi lamang para sa layunin ng pagtatanggol sa sarili kundi para din sa pagbuo ng kanilang pagkatao, pagpapaunlad ng kanilang maayos na gawain, at paglikha ng isang matulungin na kapaligiran na humahadlang sa kanila mula sa pagsali sa ilegal na droga.

Sa pamamagitan nito, nailalayo ang bawat kabataan sa paggawa ng masama para sa isang mas maaayos na pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *