ACCTG-TG, nagsagawa ng Community Outreach Program

Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga miyembro ng Anti- Crime and Counter Terrorism Group Through Courage and Care (ACCTG-TG) sa mga residente na ginanap sa harap ng Nuestra Señiora dela Asunción, Barangay San Jose, Bulakan, Bulacan nito lamang Linggo, ika-23 ng Hunyo 2024.

Ang inisyatibo ay pinangunahan ni Ma. Nelita G. Isleta, Municipal Director ng ACCTG-TG, katuwang ang mga tauhan ng Bulakan Municipal Police Station, Bulacan Police Provincial Office, sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Darwin P Barbosa, Acting Chief ng naturang istasyon.

Ang nasabing programa ay may temang “Lugaw for All”, na ipinamahagi sa mga residente, na nakakatulong sa pag-ibsan ng gutom at kakulangan sa nutrisyon.

Ito ay nagpapakita ng pakikiisa ng mga ahensya ng gobyerno sa mga pangangailangan ng mga residente, na nagpapalakas ng kanilang tiwala at suporta sa pamahalaan na isa sa mga layunin ng kasalukuyang administrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *