Tree Growing Activity, isinagawa sa Kapatagan, Lanao del Norte

Sa inisyatiba ng Local Government Unit ng Kapatagan, matagumpay na naisagawa ang Tree Growing Activity na idinaos sa Municipal Sanitary Landfill, Suso, Kapatagan, Lanao del Norte, noong ika-30 ng Hunyo 2024.

Ang gawaing ito ay isa sa mga kahanga-hangang aktibidad ng 75th Araw ng Kapatagan, sa ilalim ng temang, “Kapatagan at 75: Harvesting Excellence, Cultivating the Future”, sa pamumuno ni Hon. Mayor Barry Y. Baguio.

Nakilahok ang Kapatagan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Majot Mark Ian E Quieta, Officer-In-Charge ng Kapatagan Municipal Police Station, Sangguniang Kabataan Officials, Force Multipliers at iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay nakibahagi din sa aktibidad upang mapaunlad ang Kapatagan bilang isang magandang tirahan.

Layon ng aktibidad na maglikha ng malawakang pag-unlad sa pangangalaga ng kalikasan na nagsisilbing pundasyon sa maayos at ligtas na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *