Disaster Preparedness Seminar, isinagawa sa Tanza, Cavite
Nagsagawa ng Disaster Preparedness Seminar para sa mga miyembro ng Bantay Dalampasigan na ginanap sa Covered Court Barangay Julugan 3, Tanza, Cavite nito lamang Martes, ika-2 ng Hulyo 2024.
Ang naturang seminar ay pinangunahan nina Mr. Timothy John P Bocalan, Officer-In-Charge ng MDRRMO at Police Captain Roel G Paiton, DCOP sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Willy B Salazar, Chief ng Tanza Municipal Police Station kasama ang mga miyembro ng Bantay Dalampasigan ng Barangay Julugan 3 at Barangay Julugan 4 ng Tanza, Cavite.
Tinalakay at nagbigay kaalaman patungkol sa maagap na hakbang at estratihiya na ginagawa para maibsan ang epekto ng likas o gawang tao na mga kalamidad.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng sapat na kaalaman upang maging handa at mapalakas ang kanilang kakayahan na magpatuloy at mag-survive sa mga krisis at sakuna na maaaring harapin.
Source: Tanza Pnp