National Resilience Month, inilunsad sa Zamboanga del Norte

Matagumpay na nailunsad ang National Resilience Month ng LGU Liloy sa Liloy Municipal Hall, Fatima, Liloy, Zamboanga del Norte nito lamang ika-3 ng Hulyo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng LGU Liloy katuwang ang 2nd Zamboanga del Norte Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Major Bill Fernando Jumalon, Officer-In-Charge ng 2nd Zamboanga del Norte Police Mobile Force Company at iba pang stakeholders.

Ito ay isa sa mga paraan para patatagin ang paghahanda sa mga sakuna upang mas maging ligtas ang mga mamamayan.

Layunin ng aktibidad na bigyang malasakit ang mga mamamayan at iparamdam ang pagmamahal ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno katuwang ang mga kapulisan para sa umaangat na bansa tungo sa pagbabago para makamit ang maunlad na bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *