Awareness Campaign, isinagawa

Isinagawa ang awareness campaign at aktibong nakilahok ang mga residente ng Barangay Goleo, Sindangan, Zamboanga del Norte nito lamang Linggo, ika-7 ng Hulyo 2024.

Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Jose Francisco Rivero III, Chief of Police ng Sindangan Municipal Police Station, katuwang ang mga barangay officials at residente ng naturang lugar.

Nagbigay kaalaman ang pulisya patungkol sa pagpapanatili ng Peace and Order, PNP Plan and Programs tulad ng NTF-ELCAC, NTF-DPAGS, RA 8353 Anti Rape Law, of 1997, R.A 9262 Anti Violence against Women and their Children at iba pang crime awareness.

Layunin ng aktibidad na madagdagan ang kamalayan at kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa mga batas, bilang pagtugon sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong mapaigting ang seguridad ng bawat mamamayan at mapanatili ang pagkakaisa tungo sa maunlad at mapayapang Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *