Advocacy Support Group, nakiisa sa Tree Planting Activity
Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Tree Planting Activity sa kahabaan ng Panay River ng Barangay Garcia, Tapaz, Capiz nitong ika-7 ng Hulyo 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng RPSB Team Garcia – Tapaz, Capiz sa pamumuno ni PLt Jonathan Alano, katuwang ang Tapaz Information Office-Tapaz MENRO, kasama ang Tapaz Municipal Police Station-Capiz, Barangay LGU, Tanod, at Volunteers, Sangguniang Kabataan-Barangay Garcia, Tapaz, Capiz, R-PSB Garcia Youth Association – RPSB GYA 2024, Barangay Garcia Farmers Association at mga residente ng barangay.
Ang aktibidad ay tugon sa resulta ng “Needs Assessment Survey” na kung saan mabawasan ang pagguho ng lupa at maiwasan ang pagbaha sa lugar sa pagtatanim ng puno.
Layunin ng aktibidad na ito na punan ang mga nasirang puno sa naturang lugar dulot ng mga kalamidad upang maprotektahan ang mga watershed at magkaroon ng mas malusog na ekosistema.
Patuloy ang grupo sa pakikilahok sa mga ganitong aktibidad upang panatilihin ang maayos at luntiang kapaligiran, na siyang pundasyon na magkaroon ng sustainable na pamumuhay para sa mga susunod na henerasyon.
Source: RPSB Team Garcia – Tapaz Capiz
Panulat ni Andrea