Clean-up Drive, nilahukan ng Advocacy Support Group sa San Juan City

Bilang pagdiriwang ng 29th PCR Month ay masiglang nakiisa sa mga Advocacy Support Groups sa isinagawang Clean-up Drive sa kahabaan ng Barangay Balong-bato, San Juan City niyo lamang Martes, Hulyo 9, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga opiyales ng Barangay Balong-bato na pinamumunuan ni Punong Barangay Alvin G Alonzo kasama ang Tau Gamma Phi, Balong-bato Chapter sa pangunguna ni Founder Kiven Roberto, KKDAT San Juan Chapter, Criminology Intern ng EARIST at ang mga tauhan ng San Juan City Police Station.

Nagtipon tipon ang grupo upang sama-samang maglinis ng kapaligiran sa nasabing barangay.

Layunin ng gawaing ito na palawigin ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat pamayaman sa pagpapaganda at pagpapanatili ng kalinisan sa ating kapaligiran tungo sa isang maunlad at maayos na kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *