Programang Education for Peace, handog sa 200 na mag-aaral sa Palimbang, Sultan Kudarat
Isang matagumpay na Community Outreach Program ang handog ng iba’t ibang organisasyon na pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Palimbang sa mga 200 na mag-aaral na ginanap sa Barangay Langali, Palimbang, Sultan Kudarat nito lamang Sabado, ika-13 ng Hulyo 2024.
Nakiisa sa naturang aktibidad ang Junior Chamber International (JCI) Lakambini Davao sa pamumuno ni Ms. Charinna Barro-Quilanta, Chapter President, SK Provincial LGBTQ Federation sa pangunguna ni Mr. Jonathan Padrones at mga tauhan ng 37IB, 6ID Philippine Army sa pamamahala ni 1LT John Ace Dequiroz (INF) PA.
Nagbigay din ng suporta ang mga tauhan ng 1202nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 12 sa pamumuno ni Police Major Jayson L Ortega, Company Commander.
Tampok sa aktibidad ang livelihood program at feeding program.
Nagkaroon din ng libreng gupit sa mga kabataan. Sa huli, mga school supplies at mga laruan ang ibinigay sa mga mag-aaral na dumalo na labis naman ikinatuwa at ipinasalamat.
Education for Peace para sa mga Indigenous People ang layunin ng aktibidad na ito.
Itinataguyod din ang mga kanilang mga karapatan at suportahan ang kanilang edukasyon.
Kasabay ng pagdiriwang ng 29th Police Community Relations Month na may temang “Ligtas Ka sa Bagong Pilipinas” ay patuloy na mag-aabot ng serbisyo ang mga kapulisan sa mga kabataan para sa mas maayos na kinabukasan.