Force Multipliers, nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Cebu

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga miyembro ng Force Multipliers na ginanap sa Buhisan Watershed Forest Reserve sa Barangay Buhisan, Cebu City noong ika-16 ng Hunyo 2024.

Ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng Citizen Intelligence Action Force 7 (CIAF-7), sa pamumuno ni Mr. Jade O. Paghubasan at Rise Above Foundation kasama ang mga boluntaryo mula sa Spain, at Regional Police Community Affairs and Development Unit 7 sa pamumuno ni Police Colonel Leoncio B Baliguat Jr.

Kabuuang 250 seedlings ang itinanim ng grupo, kabilang ang guyabano, narra, at tugas.

Ang mga ganitong gawain ay nagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga pulis at komunidad, at nagbibigay ng inspirasyon sa lahat na magkaisa para sa isang mas malinis at ligtas na komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *