Ozamiz Confessions, nakiisa sa Outreach Program

Nakiisa ang Ozamiz Confession sa isinagawang Outreach Program ng mga personahe ng Misamis Occidental First Provincial Mobile Force Company sa mga mag-aaral ng Kanowanan Tribal Elementary School sa lungsod ng Oroquieta nito lamang ika-21 ng Hulyo 2024.

Ayon kay Ms. Mary Concepcion Macalisang, lider ng Ozamis Confession nasa 100 mag-aaral ng nasabing paaralan ang nakatanggap ng tulong.

Sa programa ay namahagi ng school supplies, health check-ups, pagkain. loot bags, libreng gupit, mga gamot at bitamina.

Ang ganitong mga programa ay mahalaga para sa pagsuporta sa mga mag-aaral upang mas lalo pang ganahan sa kanilang pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *