Kampanya sa Ilegal na Droga, isinusulong sa Rizal Cagayan
Isinusulong ng mga tauhan ng Rizal Police Station ang kampanya kontra ilegal na droga, kaya naman tinipon ng grupo ang mga opisyales ng barangay at mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa isang makabuluhang talakayan na ginanap sa Barangay Lattut, Rizal, Cagayan nitong noong Hulyo 29, 2024.
Ang mga kalahok ay masigasig na nakiisa sa talakayan hinggil sa Buhay Ingatan Droga’y Ayawan o BIDA na isinusulong ng ating gobyerno, National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), at Katarungan Pambarangay.
Tinalakay din ang mga ordinansa ng munisipalidad na nagbigay-diin sa kahalagahan ng mga lokal na regulasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. Hinikayat din ang mga kalahok na patuloy na suportahan ang mga programa at aktibidad ng Pambansang Pulisya upang makamit ang mas ligtas na komunidad.