Symposium Activity, dinaluhan ng mga mag-aaral ng Kalangahan National High School
Masayang nakiisa ang mga mag-aaral sa Kalangahan National High School sa isinagawang Symposium Activity sa Barangay Kalangahan, Tuburan, Cebu noong ika-30 ng Hulyo 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga kapulisan mula sa 1st PMFC “Warriors of the North,” Cebu PPO sa pangunguna ni Police Lieutenant Bhen P Palogan, 2nd Maneuver Platoon Leader, sa ilalim ng direktang superbisyon ni Police Lieutenant Colonel Danilo R Yema Jr, Force Commander, kasama ang Tuburan Bible Baptist Church.
Binigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral patungkol sa Community Anti-Terrorism Awareness, Drug Awareness, Safety Driving Tips, PNPA Qualifications and Requirements, at nagkaroon din Bible Sharing.
Ang pagbisita sa paaralan at ang mga gawaing isinagawa ay bahagi ng adbokasiya ng “Warriors of the North” na ipakita ang kanilang dedikasyon sa serbisyo at pagmamalasakit sa kaligtasan at kapakanan ng komunidad. Sa bagong Pilipinas, layunin ng pulisya na masiguro ang kaligtasan at proteksyon ng bawat mamamayan.