Mga mag-aaral, nakiisa sa Symposium Activity sa Cebu
Inilunsad ng Iloilo PNP ang Tanod Academy sa inisyatiba ni PCol Bayani M Razalan, Provincial Director ng Iloilo Police Provincial Office para sa 47 na hepe ng barangay tanod ng iba’t ibang barangay nito lamang ika-4 ng Setyembre 2024 sa Evacuation Center, Dueñas, Iloilo.
Pinangunahan ni PLtCol Jojo U Tabaloc, Chief Provincial Community Affairs and Development Unit ang seremonya ng pagbubukas ng tatlong-araw na Training of Trainers at dinaluhan ng mga opisyales mula sa DILG Iloilo, Mayor Robert Martin Pama, Vice Mayor Aimee Paz Lamasan, mga SB Members, mga Punong Barangay, at mga Tanod ng iba’t ibang Barangay sa nasabing bayan.
Layunin ng programang ito na palakasin ang mahalagang papel ng mga barangay tanod sa mga peacekeeping operations, at bigyan sila ng sapat na kaalaman at kasanayan upang epektibong sanayin ang kani-kanilang mga grupo sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang mga nasasakupan.
Patuloy ang BPAT’s sa pakikilahok sa mga ganitong aktibidad para mas mapalalim ang kanilang kaalaman at kamalayan sa mga usapin ng kapayapaan at mas mapahusay ang kanilang kakayahan bilang mga tagapangalaga ng komunidad tungo sa bagong pilipinas.