Barangay Tanod Skills Enhancement, isinagawa
Pinangunahan ng Maa Police Station ang isinagawang Skills Enhancement para sa mga barangay tanod ng Barangay Langub nito lamang Setyembre 7, 2024 sa Barangay Langub Hall, Maa, Davao City.
Aktibo namang nakiisa sa naturang aktibidad si Hon. Leilani D. Bacalso, Punong Barangay na siyang namuno sa kabuuan ng programa.
Komprehensibong tinalakay naman rito ang mahahalagang batas at paksa gaya na lamang ng Exploitation and Discrimination Act, Human Rights, Role of First Responder, First Aid, Warrantless Arrest at Peace and Order Situation at Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse.
Layunin ng inisyatibang ito na paunlarin ang kasanayan at kahusayan ng mga barangay tanod sa mga pangunahing batas at legal na pamamaraan sa pagganap ng kanilang mga tungkulin lalo pa’t sila ay itinuturing na “front liner” pagdating sa paghahanda at pagtugon sa iba’t ibang uri ng karahasan, pampublikong kaguluhan, emerhensiya, at kalamidad o sakuna na nagbabanta sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko sa barangay.