Stakeholders, nanguna sa “Sapat na Serbisyo para sa lahat” sa lalawigan ng Rizal

Matagumpay ang naging kaganapan sa pagsasagawa ng aktibidad na: “Pag aalay ng Pangulo: Sapat na Serbisyo para sa Lahat”. Sabay-sabay na isinagawa ang aktibidad na ito sa buong bansa at sa lalawigan ng Rizal ay ginanap ito sa Ynares Event Center Antipolo City, alas 9:00 ng umaga ng Setyembre 13, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Lokal na pamahalaan ng Rizal na dinaluhan nina Undersecretary DILG Atty Lord A Villanueva, Honorable Nina Ricci A Ynares, Rizal Governor at Honorable Casimiro “Jun” A Ynares III, City Mayor ng Antipolo.

Kasama sa nakiisa si Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng Rizal PNP at si Police Major Elmer B Rabano, Deputy Chief of Police Antipolo Component City Police Station na nagpahayag ng suporta at naghatid ng kanilang mensahe ng pasasalamat sa lahat ng mga dumalo.

Ang programang Handog ng Pangulo: Sapat na Serbisyo para sa Lahat ay pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. upang maihatid ang mga serbisyong makakatulong sa ekonomiya at makapagbigay ng libreng pagkain para sa mga mamamayang Rizaleno.

Layunin ng naturang aktibidad na magkaisa at tulong-tulong na maghatid ng serbisyo publiko para sa ating mga mamamayan lalo sa mga lubos na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *