Mangrove Tree Planting, isinagawa sa Sarangani Province
Nagsagawa ng mangrove tree planting ang Sarangani Maritime Police Station sa Purok Mauswagon, Brgy. Glan-Padidu, Glan, Sarangani Province nito lamang ika-18 ng Setyembre 2024.
Nakiisa ang Miyembro ng KKDAT at Coast Guard Eastern Sarangani, Saviors of the Sea and MPA Guards and Community Associate Team Rescue Oneness Public Assistance. Tinatayang nasa 300 mangrove seedlings ang naitanim.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng layunin ng Bagong Pilipinas na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga mamamayan at kapulisan. Sa pamamagitan ng mga proyekto tulad ng mangrove planting, pinagtutulungan ng lahat ang pagpapanatili ng kalinisan ng karagatan.
Panulat ni Arcy