BPAT’s, nakiisa sa Force Multipliers Enhancement Training sa Kiamba, Sarangani

Dumalo at nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peace Keeping Action Team (BPAT’s) sa isinagawang Force Multipliers Enhancement Training sa Barangay Tablao at Barangay Lagundi, Glan Saranggani nito lamang Biyernes, ika-20 ng Setyembre 2024.

Pinangunahan ni PEMS Leonara L Erot, MESPO ng Kiamba Municipal Police ang lecture sa pamumuno ni Police Major Emmanuel Y Lariosa, Acting Chief ng Kiamba MPS. Tinalakay sa aktibidad ang mga Basic Role at Responsibilidad bilang BPAT’s.

Itinuro din ang tamang citizen arrest at handcuffing. Binigyan din ng iba’t ibang crime prevention tips.

Layunin ng aktibidad na ito na maturuan ang mga force multipliers ng kanilang mga responsibilidad na makakatulong sa oras ng pangangailangan. Ito din ay naglalayong magbigay ng mga panibagong kaalaman sa mga miyembro upang magkaroon ng pagtutulungan sa komunidad tungo sa mas maayos at ligtas na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *