BIDA Program, isinagawa sa Negros Oriental
Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral ng Balugo National High School sa Buhay Ingatan Droga’y Ayawan o BIDA Program na ginanap sa Brgy. Balugo, Valencia noong ika-27 ng Setyembre 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Valencia Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Antonio Q De Leon Jr Ang programa ay isang mahalagang hakbang ng pamahalaan upang labanan ang patuloy na banta ng iligal na droga, lalo na sa mga kabataan.
Sa pamamagitan ng mga ganitong uri ng talakayan at aktibidad, nais ng pamahalaan na maiparating sa bawat mamamayan, lalo na sa kabataan na sila ang pag-asa ng bayan. Sila ang pangunahing magdadala ng pagbabago patungo sa isang lipunang malaya sa droga.
Sa kabuuan, ang BIDA Program ay hindi lamang isang kampanya laban sa droga, kundi isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating bansa.
Sa pamamagitan ng mga programang ito, inaasahang magkakaroon ng malawakang pagbabago sa kamalayan at aksyon ng mga kabataan, na magbibigay daan para sa isang mas ligtas, maunlad, at masayang Bagong Pilipinas.