Youth Mobile Force nakiisa sa isinagawang Clean-up Drive sa Abra
Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) – Kiangan Chapter sa isinagawang Clean-up Drive at Tree Planting Activity sa Mungayang, Kiangan, Ifugao nito lamang ika-17 ng Pebrero 2023.
Kasama sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Kiangan Municipal Police Station, sa pangunguna ni Police Captain Daniel Licyayo, Deputy Chief of Police, Barangay Officials, Sangguniang Kabataan, 1st Ifugao Provincial Mobile Force Company, CIDG Ifugao, PNP Special Action Force, PMDU, Criminology Interns ng Ifugao State University, mga guro at staffs, at volunteers.
Ang mga nasabing grupo ay naglinis mula sa Mungayang Bridge hanggang sa Sitio Longa na sinundan ng Tree planting sa paligid ng paaralan kung saan nakapagtanim ng 410 na narra seedlings.
Ang aktibidad ay bahagi ng Youth for Environment in Schools Organization YES-O at Science Club Launching ng E- HIGID o ang (Environment-Having Innovations Gearing towards Improvement and Development) sa pamamagitan ng Project Kalkal Kanal Community Clean-Up Drive, Adopt a Forest Project, Tree Planting Activity na may temang “Greening, Cleaning and Conserving the Environment for Sustainable Development”.