Muslim Youth Leader nakiisa sa feeding Program sa Taguig City

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Muslim Youth Leader sa isinagawang feeding program sa MCC Village, Maguindanao Street, Corner Road 14 Purok 2 Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City nito lamang umaga ng Sabado, Pebrero 18, 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Salaam Police Center (SPC) sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Arnold M Licerio, Company Commander.

Namahagi ng libreng pagkain sa 50 Muslim Orphans Students sa Darul Aytam Islamic Education and Guidance Association Orphanage.

Naglalayon ang programang ito na palakasin ang partnership at collaboration ng pulis at Muslim Youth na handang itaguyod ang masigasig na pakikipag-ugnayan sa komunidad upang makamit ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *