Tau Gamma Phi, nakiisa sa isinagawang Clean-up Drive

Albay – Nakilahok ang mga miyembro ng Tau Gamma Phi. Rapu- Rapu Chapter sa isinagawang Clean-up Drive na pinangunahan ng Regional Mobile Force Battalion 5 sa Barangay Dap-Dap, Rapu-Rapu, Albay nito lamang Sabado, ika-18 ng Pebrero 2023.

Naging matiyaga ang mga kalahok sa pagpupulot ng mga nakakalat na basura sa paligid upang masigurong malinis ang nasabing lugar.

Layunin ng aktibidad na ito na makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan at mahikayat din ang ibang mamamayan sa kanilang barangay upang malayo sila sa anumang uri ng sakit dulo’t ng maruming paligid.

Ang ganitong mga grupo ay patuloy na maghahatid ng serbisyo sa mamamayan para sa malinis at ligtas na kapaligiran upang mapanatili ang malakas na ugnayan ng bawat miyembro ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *