Laua-an Municipal Advisory Council, nakilahok sa Feeding Program sa Antique

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Laua-an Municipal Advisory Council sa isinagawang feeding program sa Barangay Magyapo Laua-an, Antique nito lamang ika-19 ng Pebrero 2023.

Dumalo din sa naturang programa ang Laua-an Municipal Police Station, kasama si Pastor Gerome Jimenez, Interfaith Based Leader, Alpha Kappa Rho Laua-an Chapter at Brgy. Officials na kung saan ay matagumpay na namahagi ng masustansyang pagkain ang naturang grupo sa mga residente.

Ang Laua-an Municipal Advisory Council ay patuloy sa pagsasagawa ng mga ganitong programa upang matulungan ang ating mga kababayan na lubos na nangangailangan at maipadama ang malasakit at pagmamahal sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *