Community Outreach Program nilahukan ng Intern Criminology Students sa San Juan City

Masayang nilahukan ng mga intern Criminology Students mula sa Makati Science Technological Institute ang isinagawang Community Outreach Program na ginanap sa St. Joseph Cemetery, Brgy. West Crame, San Juan City nito lamang Miyerkules, Pebrero 22, 2023.

Pinangunahan ng mga estudyante ang programa katuwang ang mga tauhan ng Station Community Affairs Development Section (SCADS) sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Francis Allan M Reglos, Acting Chief of Police ng San Juan CPS.

Namahagi ang mga estudyante ng mainit na lugaw sa mga kabataan at sa mga residente na naninirahan sa nasabing sementeryo.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong patuloy na pakilusin ang mga kabataan at komunidad, palawigin ang tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas magandang serbisyong pampubliko para maipadama ang malasakit at pagmamahal sa ating mga kababayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *