BPATs Sultan Kudarat nakiisa sa Coastal Clean-up Drive

Nakiisa sa isinagawang Coastal Clean-Up Drive ang mga tauhan ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa Lebak, Sultan Kudarat nito lamang ika-24 ng Pebrero, 2023.

Mahigit 50 na sako ng mga tuyong dahon at plastic ang nakolekta sa isinagawang paglilinis.

Naging matagumpay ang aktibidad dahil sa pagtutulungan ng Local Government Unit ng Sultan Kudarat, Barangay Peacekeeping Action Team at Philippine National Police na boluntaryong nakiisa sa isinagawang aktibidad.

Nagpasalamat naman ang mga residente ng naturang lugar dahil sa tulong na ginawa upang umaliwalas at luminis ang kanilang komunidad.

Layunin ng aktibidad na panatilihin ang kalinisan sa ating yamang dagat upang maiwasan ang polusyon at pagkasira nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *