Force Multipliers nakiisa sa Community Outreach Program sa San Narciso, Zambales

Nakiisa ang mga miyembro ng Philippine Guardian Brotherhood Incorporated at Faith Based Advocacy Support Group sa isinagawang Community Outreach Program sa San Narciso, Zambales nito lamang Biyernes, ika-24 ng Pebrero 2024.

Ito ay pinangunahan ng mga tauhan ng San Narciso PNP katuwang ang Local Government Unit ng nasabing bayan.

Nagkaroon ng pamimigay ng food packs, libreng meryenda at mga damit.

Patuloy ang maigting na ugnayan ng mamamayan at PNP upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *