Joint Clean-up Drive Activity, isinagawa sa baybayin ng Lavezares Northern Samar

Northern Samar – Nagsagawa ng Joint Clean-up Drive Activity ang mga miyembro ng KKDAT at PNP sa baybayin ng Urdaneta Boulevard Bayan ng Lavezares nito lamang Biyernes ika-24 ng Pebrero 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng KKDAT Urdaneta Chapter katuwang ang Lavezares Municipal Police Station at OJT Criminology Internship ng Colegio De San Juan Samar Inc.

Nagbigay pasasalamat naman ang mga residente sa nasabing lugar sa pagbibigay halaga sa kalinisan at kapakanan na kanilang pinagkukunang pangkabuhayan.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong pataasin ang kamalayan ng komunidad at hikayatin ang atensyon o aksyon ng komunidad sa mga kasalukuyang isyu at alalahanin sa kapaligiran upang maipatupad at isulong ang pagbabago tungo sa sustainable development.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *