Kalilangan Festival Pormal nang sinimulan sa General Santos City
Nagtipon-tipon ang mga opisyal ng gobyerno, empleyado, mga panauhin, at mamamayan ng General Santos upang ipagdiwang ang mayamang kultura ng lungsod sa pamamagitan ng pagsaksi sa iba’t ibang pagtatanghal sa grand opening ng 2023 Kalilangan Festival nito lamang Pebrero 23, 2023 sa Oval Grandstand.
Ang 34th Kalilangan Festival, na inorganisa ng Local Government Unit ng Gensan ay katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno mula sa Philippine National Police, Coast Guard, Bureau of Fire Protection para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga dadalo sa nasabing pagdiriwang.
Kasama dito ang City Administrator na si Shandee Llido-Pestaño bilang Festival Director katuwang ang Mindanao State University of General Santos City (MSU-Gensan) sa pamumuno ni Chancellor Usman D. Aragasi, MPA bilang Festival Co-chairperson ay ipinagdiriwang din kasabay ng ika-84 na anibersaryo ng pagkakatatag ng GenSan.
Pinangunahan ni City Mayor Lorelie Geronimo-Pacquiao ang Grand Opening ng nasabing festival katuwang si First Gentleman Roberto “Bobby” Pacquiao, kabilang ang mga miyembro ng 20th Sangguniang Panlungsod, at Hon. Eliordo “Bebot” U. Ogena City Mayor ng Koronadal City.
Kabilang sa mga bisitang dumalo ay si Manny “Pacman” Pacquiao, na naghatid ng mensahe sa mga mamamayan ng General Santos City.
Ang 34th Kalilangan Festival ay isang buwang pagdiriwang, na may iba’t ibang aktibidad na isinasagawa sa buong buwan ng Pebrero at isang closing ceremony na nakatakdang mangyari sa Pebrero 27, 2023 kung saan si Bise Presidente Sara Duterte ang inaasahang dumalo at panauhing pandangal.