BPATs Training, isinagawa sa Pamplona

0
462572168_872563334729709_5528333780745979897_n

Nakiisa ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) Pamplona sa isinagawang BPAT Training ng PNP Pamplona sa kagustuhang magkaroon ng mas ligtas at tahimik na pamayanan at bilang paghahanda sa isang mapayapang kapaskuhan sa Pamplona, Cagayan noong ika-29 ng Nobyembre 2024.

Dinaluhan ito ng mga Punong Barangay, Barangay Kagawad for Peace and Order at Chief Tanod ng 18 na barangay ng nasabing bayan.

Ito ay inisyatiba ng Pamplona Police Station sa pangunguna ni PMaj Krismar Angelo P Casilana, sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Pamplona, MLGOO, mga kinatawan ng BFP at MDRRMO-QRT18.

Naunang nagbahagi ng kaalaman ang MDRRMO-QRT18 sa pangunguna ni Mr. Glenmore Bacarro ukol sa Understanding Hazards/ Disaster Management at iba pang mahahalagang bagay patungkol sa sakuna.

Ang mga tagapagsalita naman mula sa BFP ay tumutok sa Fire Safety at First Aid.

Samantala, nagbigay naman ng mga mahalagang kontribusyon ang mga lecturer ng Pamplona PS at tinalakay ang mga paksa sa pagpigil ng mga krimen na umikot sa mga Gampanin ng BPAT, First Responders, Arresting Techniques, Clustering ng mga Brgy at R.A 9262.

Itinampok din ang kahalagahan ng ‘Ronda’ bilang isa sa pinakamabisang paraan upang labanan ang kriminalidad at ano pa mang masasamang elemento sa pamayanan.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga kalahok na pinangunahan ni Barangay Captain Connie S. Perez, LNB President sa mga natutunang kaalaman at nagbigay ng kasiguraduhan na gagamitin ng mga ito sa pagtupad at pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin sa kani-kanilang mga nasasakupang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *