Tree Planting at Feeding Program isinagawa ng Lumabag Integrated School sa Davao Del Norte
Nagsagawa ng tree planting activity ang mga guro ng Lumabag Integrated School (LIS) katuwang ang mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Sitio Lumabag sa Sitio Lumabag, Brgy. Palma Gil, Talaingod, Davao del Norte nito lamang Pebrero 24, 2023.
Nakapagtanim ng iba’t ibang klaseng seedlings ang mga guro sa pangunguna ni Dexter B Soriano, School Head, kasama ang mga estudyante ng nasabing kaugnay sa Boys Scout of the Philippine (BSP) and Girl Scout of the Philippines (GSP) Camporal 2022-2023.
Matapos ang pagtatanim ay sinundan naman ito ng feeding program bilang pasasalamat at gantimpala sa mga kabataan.
Ang aktibidad ay naging matiwasay sa pagbibigay seguridad ng pulisya sa mga dumalo..
Layuning ng aktibidad na maitanim sa murang isipan ng mga kabataan ang pagpapahalaga sa kapaligiran at pagtatanim na siyang prumoprotekta laban sa mga pabago-bagong klima na ating bansa.